Amain ni DOJ Sec. De Lima, natagpuang patay

CAMARINES SUR – DAHIL sa masangsang na amoy, nadiskubre ang bangkay ng umano’y tiyuhin ni Justice Secretary Leila de Lima sa Iriga City noong Lunes.

Ayon sa Iriga City PNP, ikinabalisa ng mga kapitbahay ni Francisco de Lima, 59 anyos sa Brgy. Agustin ang ilang araw na pananahimik nito hanggang sa nadaragdagan ang mabahong amoy sa lugar.

Dito, nagpasya ang mga residente sa lugar na ipagbigay-alam sa otoridad ang amoy at pagkawala ng matanda na napag-aalamang mag-isang namumuhay.

Sa pagpasok sa tahanan ng mga de Lima, nadiskubre si Francisco na pinaniniwalaang ilang araw nang patay. Ang biktima ay huling nakitang buhay noong Hunyo 12.

Sa imbestigasyon ng Iriga-PNP, wala namang nakitang foul play at kumpirmadong may sakit na diabetes si De Lima. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.