Amain, Ginahasa ang 2 Anak ng Ka-Live-In

 

NAHAHARAP SA kasong panggagahasa ang isang lalaki sa Camaligan, Camarines Sur matapos pagsamantalahan ang dalawang anak ng kanyang live-in partner.

Kinilala ni S/Insp. Victor Azuela, chief of police ng PNP Camaligan ang salarin sa pangalang Nestor, 44, ng naturang bayan.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, kapwa menor de edad ang mga biktima na itinago sa pangalang Nene, 15, at Olga, 17, at umano’y may problema sa pag-iisip. Tatlong taon na umanong ginagawan ng kababuyan ng kanilang amain si Nene habang isang taon nang inaabuso si Olga.                                                                                       Nabatid na mismong ang nakatatandang kapatid ng mga biktima ang nakarinig sa kwento ng dalawa na agad namang isinumbong sa kanilang ina.

Wala namang nagawa si Nestor kundi umamin sa kasalanan at agad ding sumuko sa mga kinauukulan. (PARAZZI REPORTO-

RIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.