Ama, Todas sa Palo sa Anak

 

SARILING ANAK ang nakapatay sa kanyang ama matapos paghahampasin ito ng kahoy ng madre de cacao na ginagamit ni-lang panggatong.

Pinangalanan ni PO3 Nestor Sadian, chief investigator ng PNP Paoay, ang biktima na si Wilson Cac, 61, may asawa at walang ikinabubuhay. Ang suspek naman ay si Edison Cac, anak ng biktima, 33, isang construction worker, may ka-live-in at nakatira sa parehong barangay.

Batay sa imbestigasyon, natutulog umano ang suspek nang marinig na nag-aaway ang kinakasama at ang ama. Bigla na lang umano itong kumuha ng madre de cacao at hinampas ang kanyang ama sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kung saan napuruhan ang ulo nito na siyang ikinamatay.

Umamin naman ang suspek sa nagawa na maaaring nagawa niya dahil sa sobrang galit dahil laging inaaway nito ang kanyang kinakasama at pinapaalis sila.

Nasa pangangalaga na ngayon ng PNP Paoay ang suspek. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.