Ama, Sugatan; Anak, Patay sa Pananaksak

PATAY ANG isang 27-anyos na lalaki at nasugatan din ang ama nito sa nangyaring pananaksak sa Barangay Tipan, Gutalac, Zamboanga del Norte.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, bago nangyari ang insidente, magkasamang nag-iinuman ang mag-amang Roel Gemitar Gonzaga, 27, at ang 59-anyos na si Alfredo Gemitar Eting sa isang videoke bar sa lugar kung saan nag-iinuman din ang suspek na si Gaga Ladion kasama ang iba pa nitong mga kasamahan.

Dahil sa sobrang kalasingan, nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan si Roel sa isa sa mga kasamahan ni Ladion na nauwi sa suntukan.

Nang umuwi na ang mag-ama ay doon na sila inabangan ng sa-larin saka ginawa ang pananaksak.

Sinubukan uma-nong tulungan ng ama ang kanyang naghihingalong anak pero inundayan din siya ng saksak ni Ladion.

Samantala, nakatakas ang suspek at ang iba pa nitong mga kasamahan at ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga kinauukulan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.