Ama, Pinalakol ng Anak

SUGATAN NANG dinala sa General Santos City Hospital ang isang ama matapos palakulin ng kanyang sariling anak.

Nagtamo ng sugat sa ulo ang biktima na nakilalang si Francisco Carmelino, 61, ng Barangay Mabuhay sa naturang lungsod.

Nagkasagutan umano ang biktima at ang anak nito na ayaw munang

ipasapubliko ang pa-ngalan, nang biglang kumuha ng palakol ang suspek at hinampas ang ulo ng kanyang ama na nawalan ng malay.

Samantala, nalaman din ng mga kinauukulan na lasing ang suspek nang datnan ito ng nagrorondang pulis.

Dahil naman sa kahihiyan ng pamilya, hindi na nagsampa ng kaso ang biktima sa sariling anak subalit pinatulog pa rin sa selda para magtanda ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.