Ama, Pinakulong ng Anak Dahil sa Pananakit

PINAKULONG ANG isang ama ng kanyang anak na binatilyo matapos suntukin ng una ang huli nang hindi maituro ang ina ng biktima sa Navotas kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong Physical Injury in relation to Child Abuse si Arturo Caluag, 40, ng Almeda St., Tondo, Manila.

Sa pahayag ng biktimang edad 15, nasa labas siya ng kanilang bahay sa Gemini St., San Roque, Navotas nang dumating ang ama at nagtanong kung nasaan ang inang si Fe.

Dahil hindi alam ay hindi na ituro ng biktima kung nasaan ang ina na ikinagalit ng suspek at sinapak ang anak.

Ilang kapitbahay ang tumawag ng mga barangay tanod dahil nagwawala na ang suspek at nang respondehan ay hindi na nakapalag nang arestuhin at dalhin sa presinto bago sinampahan ng mga nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.