Ama, Pinagtataga sa Harap ng Anak

TINADTAD NG saksak hanggang mapatay ang isang ama sa harap mismo ng kanyang walong taong gulang na anak sa may Barangay Marsolo, Naga sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Base sa report  g Naga Municipal Police Station, nabatid na bandang alas-11:00 ng gabi habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay ang mag-ama nang harangin ng suspek at walang habas na tinaga at sinaksak ang biktimang si Malam Adlo Tingig, 36.

Masuwerte namang naka-takbo at nakalayo sa lugar ang anak ng biktima at humingi ng saklolo sa mga residente sa kanilang lugar.

Dead on the spot ang biktima dahil sa malulubhang sugat na tinamo nito sa kanyang likod at dibdib.

Lumalabas sa inisyal na  pagsisiyasat, nakilala ang salarin na si Rolando Acoymo Harapan, residente mismo ng naturang barangay na kaagad ding tumakas gamit ang minamaneho niyang motorsiklo.

Matinding trauma ang nararanasan ngayon ng bata na nakasaksi sa ginawang pagpatay sa kanyang ama.

Samantala, patuloy ang inilunsad na pursuit operation ng kapulisan ng Naga Police para maaresto ang nakatakas na salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.