Ama, Pinagtataga ng Anak

NAPATAY SA taga ng anak ang kanyang ama sa San Teodoro, Bunawan, Agusan del Sur.

Base sa report, lasing umano ang 49-anyos na biktimang si Dionisio Relatado na nakagalit ang kanyang misis.

Binato pa umano ng biktima ang kanilang bahay na ikinatakot ng kanyang asawa na hinabol pa nito ng bambo.

Agad namang sumaklolo ang anak na si Jackson, 22-anyos, at nang maabutan ang ama ay pinagtataga hanggang sa mapatay.

Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.