Ama, Patay Sa Taga Ng Senglot Na Anak

KARUMAL-DUMAL NA kamatayan ang sinapit ng isang 63-anyos na ama matapos itong pagtatagain ng kanyang anak na lango sa alak sa loob ng kanilang tirahan sa Barangay Ribusuan sa bayan ng Naguilian, La Union kamakailan.

Kinilala ang biktima na si Bonifacio Gamalinda habang tugis naman ng mga awtoridad ang salarin na si Bernie Gamalinda, 38, kapwa nakatira sa naturang barangay.

Ayon sa misis ni Bonifacio na si Paz, umuwing lango sa alak at nagwawala ang kanilang anak kung saan pinagtangkaang silaban ang kanilang bahay.

Sa halip na kumalma sa ginawang pag-awat ng matandang ama ay pinagtataga ito ng salarin saka tumakas patungong kabundukan.

Samantala, sinabi ng mga kapit-bahay na maamo at tahimik ang salarin subalit kabaligtaran ang kanyang asal kapag nasa ilalim na ng ispiritu ng alak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.