Ama, patay; mag-iina, sugatan Pamilya, tinangay ng alon

NASAWI ANG padre de pamilya habang ginagamot ang misis nito at dalawang anak nang tangayin ng malakas na agos ng tubig sa ilog sa bayan ng Lambuna, Iloilo.

Kinilala ang nasawi na si Gerardo Dalumpines habang ginagamot ang misis nito na si Jenna at mga anak na sina Jenna Rose, 12, at Gerald, 10, ng Barangay Hayubo.

Naghanap ng makakain na mga root crops ang pamilya Dalumpines at nang pauwi na ang mga ito ay mataas na ang tubig sa ilog dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Unang tumawid sa ilog ang amang Dalumpines para tantiyahin ang lalim ng tubig, subalit nadulas ito hanggang sa tinangay ng malakas na agos ng tubig.

Nang makita ang nangyari sa asawa, sinubukan ni Jenna na iligtas ito at tumalon na rin sa ilog ngunit hindi rin nakayanan ang lakas ng agos ng tubig.

Tumalon na rin ang dalawang anak na kasama ng mag-asawa para iligtas ang kanilang mga magulang su-balit maging ang mga ito ay tinangay rin ng tubig.

Suwerteng nasampay sa gilid ng ilog si Mrs. Dalumpines kasama ang kanyang dalawang anak at halos pagapang na umuwi ng kani-lang bahay sa tulong ng anak na lalaki nito.

Isang araw pa ang lumipas bago nadala ang mga ito sa ospital habang ang katawan naman ng mister ay maghahating-gabi na nang makita ng mga naghahanap at wala nang buhay.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.