Ama, Patay; Anak, Kritikal sa Nasaging Suspek

PATAY ANG isang mister habang kritikal sa pagamutan ang anak nitong lalaki ma-tapos aksidenteng masagi ng huli ang isa sa tatlong salarin habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-arrival nang idating sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng saksak sa lalamun at ibang bahagi ng katawan si Arnel dela Cruz, 44, pedicab driver, habang patuloy na ginagamot si Nelvin dela Cruz, 17, sanhi ng tama ng saksak sa dibdib at kapwa ng Block 81, Lot. 18, Purok 1, Kawal, Brgy. 28, Dagat-dagatan ng nasabing lungsod.

Nakapiit naman sa detention cell ng Caloocan Police ang suspek na si Luisito Corpuz, 35, pedicab driver, habang tugis ang dalawa pa nitong kasamahan na sina Leonardo Corpuz, nasa hustong gulang; at Edwin Perez, pawang mga residente ng Block 8, Sawata ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa Block 8, Sawata St., Brgy. 35 ng nabanggit ng lungsod.

Ayon pa sa ulat, naglalakad ang mag-amang biktima sa naturang lugar pauwi sa kanilang bahay nang makasalubong ang mga suspek at aksidenteng nasagi ng batang Dela Cruz si Leonardo (suspek) na ikinagalit ng huli.

Humingi naman ng dispensa ang batang Dela Cruz, subalit lalo pang ikinagalit ng mga suspek. Sinubukan ng matandang dela Cruz na awatin ang mga suspek para tumigil mahinto na ang pagtatalo, ngunit armado na ng patalim ang suspek na sina Luisito at Perez.

Dito, pinagtulungang saksakin ng mga suspek ang mag-ama saka tumakas. Sa kabila ng sugat na tinamo ng batang Dela Cruz ay nagawa pa nitong makahingi ng tulong sa barangay at ikinadakip ni Luisito Corpuz habang nakatakas sina Leonardo at Perez.

Isinugod naman sa nabanggit na pagamutan ang mag-amang Dela Cruz, subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na rin ng hininga ang matandang Dela Cruz habang inoobserbahan naman ang anak ng nasawi.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.