Ama ni Shamcey Supsup, Inireklamo ng Pananampal sa 58-Anyos na Ginang

INIREKLAMO SA mga awtoridad ang ama ni dating Miss Universe 2011 third runner-up Shamcey Supsup dahil sa pananakit umano sa isang 58-anyos na ginang sa General Santos City.

Ito ay matapos dumulog sa presinto ang nagnga-ngalang Evangeline Hichanova Peniol na taga-Purok 14, Brgy. Katangawan sa lungsod at inireklamo si Timoteo Supsup.

Base sa blotter, sinabi ng nagreklamo na sinampal umano siya at sinaktan sa kaliwang bahagi ng braso nang sila’y magtalo.

Subalit ang nasabing akusasyon ay itinanggi ng ama ng beauty queen at iginiit na hindi niya magagawa ang manakit ng isang babae.

Kasunod ito ng pagransak ng mga kasamahan ng ginang sa stockroom kung saan nakaimbak ang mga bigas na ginamit noong halalan.

Nabatid na bahagi ng compound ng pamilyang Supsup sa Brgy. Katangawan ay ginawang headquarters ng partidong People’s Champ Movement (PCM) matapos gawin itong isa sa political campaigner ni Manny Pacman.

Gayunman, inamin ni Mr. Supsup na itinulak nito ang nasabing ginang at lasing pa nang mangyari ang insidente.

Samantala, hinihintay ng mga awtoridad na makabalik ang babae sa kanilang presinto para sa isasampang kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.