Ama ng Election Officer, Patay sa Riding-In-Tandem

PATAY ANG isang ama ng election officer sa bayan ng Umingan matapos na barilin ng riding-in-tandem.

Agad na namatay ang biktimang si Dominador Olivar Fernandez matapos barilin ng hindi nakilalang salarin habang pauwi na ito sa kanilang bahay pasado alas-3:00 ng hapon kamakailan kasama ang dalawang kaibigan.

Galing sa sabungan ang biktima nang tambangan ito ng mga suspek.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likod at leeg ang biktima na dahilan ng agarang kamatayan.

Sa ngayon, patuloy namang inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.