Ama ng dalagita at nobyo, kapwa kulong

BUMAGSAK SA piitan ang lalaki na sinamahan ng 14-anyos na girlfriend at ang ama rin ng nasabing babae.

Sinabi ni SPO1 Rex Diongon ng Makar PNP na nasa kanilang kustudiya na si Reynold Andales, 21, ang boyfriend ng dalagita na nakilalang si alyas Lucy.

Mayroong pananagutan sa batas ang nasabing lalaki dahil sa kanyang pagsama sa menor de edad maliban sa lumabas sa ulat na nabuntis din daw ang dalagita, ayon kay Diongon.

Gayunman, ang doktor lang ang makapagkukumpirma sa tunay na sitwasyon ng dalagita, pag-lilinaw pa ng opisyal.

Ikinulong din ang ama ng babae dahil sa alegasyon na sinuntok nito si Andales nang pumunta sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO), kung saan doon naman nakakustodiya ang anak.

Sa naging pahayag ni alyas Lucy, sinabi nito na gusto niyang umalis na sa kanilang bahay dahil hindi na matiis ang pananakit ng ama tuwing may nagagawang kasalanan.

Napag-alaman din na binigyan ng P20 si Mark Christian Lagahit, kapatid ng dalagita para sabihin sa kanilang lola na kinuha ng mga naka-bonnet na mga lalaki ang kanyang kapatid.

Sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, napag-alaman sa mga kaklase ni alyas Lucy na plano nito na sumama sa kanyang boyfriend na isang tricycle driver.

Narekober ng mga awtoridad ang nasabing dalagita sa Zone 2, Bula sa lungsod na kasama ang nobyo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.