Ama ng 3 Wanted, Inutas

NASAWI MATAPOS barilin ang ama ng tatlong magkakapatid na kabilang sa mga most wanted persons sa bayan ng Dumarao, Capiz.

Isang tama ng bala sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Homer Bagaforo y Panes, 60, ng Sagrada Familia, Dumarao, Capiz.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, napag-alaman na bigla na lamang binaril ng hindi nakilalang suspek ang biktima habang nakatayo sa labas lamang ng tahanan nito.

Isinugod pa si Bagaforo sa isang pagamutan sa Barotac Nuevo, Iloilo ngunit idineklarang dead on arrival.

Ang naturang biktima ay ama ng tatlong mga most wanted person na sina Rodel Bagaforo, Romeo Bagaforo at Ronilo Bagaforo, na suspek sa pagpatay ng kanilang bayaw.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.