Ama, Nang-Hostage ng Kaanak

MAHAHARAP SA kaukulang kaso ang hostage-taker na kusa ring sumuko sa otoridad sa Barangay Gialod, Dimasalang, Masbate, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO1 Renato Metorana, kusa umanong sumuko ang suspek na si Angelito Alpabete “Bulilit” matapos ang halos walong oras.

Pasado alas-8:00 ng gabi nang matapos ang pakikipag-negosasyon ng p ulisya sa tulong na rin ng isang paring hindi na binanggit ang pangalan at ni Dimasalang Mayor Henry Naga.

Wala naman umanong naitalang nasugatan sa nangyaring tensyon sa nasabing barangay.

Una rito, ala-1:30 kamakalawa  nang i-hostage ang salarin ang pitong katao na karamihan ay kanyang mga kamag-anak.

Sinabi ni SPO2 Julius Avila, deputy ground commander ng PNP-Dimasalang n a nag-ugat ang pangho-hostage nang hanapin at hindi makita ng suspek ang kanyang mag-iina na matagal nang umalis sa kanilang bahay.

Hawak ni Bulilit ang isang kalibre 45 at isang hand grenade na pasasabugin umano sa oras na hindi makita ang kanyang pamilya.

Samantala, laking pasalamat naman ng mga residente sa lugar lalo na ang mga biktima na walang nangyaring masama sa kanila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.