Ama, nagpakamatay; mag-utol, sunod na nalunod

 

NANATILING TULALA ang isang ginang dahil makaraang magpakamatay ang kanyang mister ilang linggo ang nakalilipas ay nalunod naman ang dalawang anak na babae sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Sa ulat ni  P02 Melvin Berganio ng Pili-PNP, nakitang palutang-lutang sa Marapong River sina Mary Grace Rellama, 10, at Jane, 8, ng Zone 2, Barangay Cadlan, Pili.

Bandang alas-3 ng hapon nang walang paalam na umalis si Jane sa kanila at ayain ang kanyang Ate Mary Grace na maligo sa ilog.

Makalipas ang dalawang oras, nakita na lamang na palutang-lutang ang katawan ng mga biktima.

Posibleng nakitang nalulunod ang isa sa mga ito at nang subukang iligtas ay nagresulta ito upang pareho silang nalunod.

Sa hiwalay namang panayam kay Jennifer Rellama, ina ng mga biktima, sinabi nito na labis ang pagsisi nito matapos na iwan pansamantala ang kanyang anim na mga anak sa lola.

Ito ay upang makiani ng palay sa kalapit-barangay at mairaos ang pang-araw-araw na buhay.

Nabatid na nabiyuda si Jennifer nito lamang Abril 9 ng kasalukuyang taon matapos na magpatiwakal ang asawang si Tonying gamit ang isang lubid na itinali sa punong mangga sa harapan ng kanilang tahanan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.