Ama, Nagpakamatay Dahil sa Nagtanan ang Anak

NAGPAKAMATAY ANG isang 48-anyos na ama dahil sa matinding depresyon. Nagbigti ito sa kanilang bahay dahil sa anak na dalagang nagtanan sa Barangay Zambowood, Zamboanga City kamakailan.

Base sa report  ni P/Chief Insp. Ariel Huesca na nakara-ting sa Camp Crame, bandang alas-3 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Mario de Guzman.

Samantala, huling namataang buhay ang biktima na nakipag-inuman sa kanyang mga kaibigan matapos na madiskubre nito na iniwan na sila ng kanyang anak na si Ivy Dimple de Guzman, 19, na sumamang nagtanan sa nobyong taga-Barangay San Roque.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.