Ama, Nagbigti Dahil sa Problema sa Pag-ibig

PATAY ANG isang 44-anyos na ama matapos magbigti dahil sa problema sa pag-ibig.

Ang nasabing biktima ay kinilalang si Ferdinand Generos ng General Hughes, Iloilo City.

Sinabi ng ina ng biktima na si Divina Generos, iniwan ang kanyang anak ng karelasyon nitong babae matapos mag-away.

Hinanap ng kanyang anak ang babae suba-lit hindi nito natagpuan kaya’t nagbigti ito.

Ginamit ng biktima sa pagpapakamatay ang wire ng kuryente na itinali nito sa kanyang leeg.

Samantala, bago nang-

yari ang insidente, ayon sa ina, tatlong beses na ring nagtangkang magpatiwakal ang kanyang anak.

Ang naturang biktima ay may tatlong anak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.