Ama, kulong sa panghahalay sa anak

SWAK SA PIITAN ang isang ama matapos halayin ang anak na nene sa loob ng kanilang bahay sa Valenzuela City kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang suspek sa pangalang Mang Jose, 29, ng Lawang Bato ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 8, alas-12:30 ng tang-hali, sila lang ang tao ng kanyang ama sa kanilang bahay nang lapitan ng suspek ang biktima at sinimulan hawakan ang katawan.

Hindi na nakapalag ang biktima sa takot sa ama hanggang sa magawang mahalay ang nene.

Pag-uwi ng ina ng biktima ay nagsumbong ang nene na naging dahilan upang samahan sa presinto at ipadampot si Mang Jose. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.