Ama, Kinatay ang Sariling Anak

HINDI NA umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 26-anyos na lalaki matapos masaksak ng lasing na ama sa Mandaluyong City.

Lumalabas sa pagsisiyasat, nagwawala umano ang lasing na si Rudy Espinilla sa ‘di pa malamang dahilan, at tinangka itong awatin ng anak na si Bernard pero inundayan ito ng saksak.

Kusa namang sumuko sa mga kinauukulan ang salarin pero itinanggi nitong siya ang sumaksak sa anak.

Samantala, tumangging magkomento sa nasabing insidente ang pamilya Espinilla.

Sa ngayon, posibleng makasuhan ng Parricide ang suspek kung ma-patutunayang may kinalaman sa pagkamatay ng anak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.