Ama, Kalaboso sa Panggagahasa sa Sariling Anak

ARESTADO ANG isang lalaki sa lungsod ng Naga matapos akusahan ng panggagahasa ng kanyang sariling anak.

Base sa report, dalawang ulit umanong ginahasa ng amang kinilalang si Roque, ang 13-anyos na anak sa kanilang bahay sa nasabing lungsod.

Mismong ang dalagita umano ang nagsumbong sa kanyang ina kaugnay sa pang-aabuso ng sariling ama.

Todo-tanggi naman ang suspek sa akusasyon laban sa kanya at iginiit na pawang kasinungalingan lang ang ibinibintang sa kanya na umano’y panggagahasa sa anak.

Kasalukuyan namang nananatili sa piitan at naghihimas ng rehas ang suspek habang hinahanda na ang kaso laban dito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.