Ama, Itinumba ng Sariling Anak

INUTAS ANG isang 48-anyos na ama matapos itong paluin ng bakal sa ulo ng kanyang anak na lango sa alak kaugnay sa matinding pagtatalo sa hatian sa inaning palay sa Sitio Bittaoh, Brgy. Nuesa, Roxas, Isabela .

Kinilala ng mga kinauukulan ang pinaslang na si Rodelio Tungpalan habang tinutugis na ng pulis ang  salarin na si Alex Tungpalan, 27, kapwa nakatira sa naturang bayan.

Nabatid na kapwa lango ang mag-ama nang magtalo sa loob ng kanilang tahanan hanggang sa nauwi sa pambugbog ng matanda sa kanyang anak.

Lumalabas sa report, nanlaban naman ang salarin at pinalo ng bakal ang ulo ng ama na nangingisay pa nang lumabas ito ng bahay para tumakas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.