Ama, Inutas ng Sariling Anak Dahil sa Pulutan

BAGSAK SA kulungan ang isang anak matapos patayin sa saksak ang sarili nitong ama sa General Santos City.

Ang naturang biktima ay nakilala sa pangalan na Bonificio Malig, 60, habang ang anak ay si Andrew Malig, 30, kapwa mga residente ng Promise Land 2, Mabuhay sa nasabing lungsod.

Nangyari umano ang pamamaslang matapos magluto si Andrew ng paksiw na isda para sa kanilang pulutan sa inuman.

Lumalabas sa pagsisiyasat, hindi umano nagustuhan ng ama ang paksiw na isda kaya pinalo ng kahoy ang anak. Tumakbo si Andrew palabas ng kanilang bahay pero hinabol pa rin ng ama at patuloy ang pagpalo.

Dahil hindi na makatiis ang anak sa ginagawa ng ama, kumuha ito ng kutsilyo at pinagsasaksak ang sari-ling ama.

Samantala, agad na binawian ng buhay ang biktima habang ang anak naman ay isinuko na sa mga awtoridad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.