Ama, Ibinuwis ang Buhay Para sa Anak

IBINUWIS NG ama ang kanyang buhay upang mailigtas ang anak na pinagtulungan ng grupong nag-iinuman makaraang masagi ng una ang isang karatula sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Pagamutang Lungsod ng Malabon sanhi ng dalawang saksak sa likod si Teodulfo Dayuon, 54, truck driver ng Guiguinto, Bulacan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si John Ongotan at hindi pa kilalang mga kainuman.

Batay sa ulat, minamaneho ng biktima ang trailer truck habang nagsisilbing pahinante ang anak na si Jonald, 23, at pagsapit sa Pampano St., nasagi ang signboard ng isang medical clinic.

Nagalit ang mga suspek at nilapitan ang truck ng mag-ama kung saan bumaba si Jonald at humingi ng pasensiya.

Hindi pinakinggan ng mga suspek si Jonald at pinagtulungang bugbugin na naging dahilan upang bumaba na rin ang biktima upang masaklolohan ang anak subalit nabaling ang galit ng mga una sa nasawi hanggang sa pagtulungang bugbugin at bago nagsitakas ay sinaksak pa sa likod si Teodulfo.

Nang wala na ang mga suspek ay dinala ni Jonald ang ama sa PLM.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.