Ama, Grinipuhan ng Anak

 

PATAY ANG isang ama matapos itong saksakin ng kanyang sariling anak sa Barangay Magsaysay sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Alejandro Tumugdan, habang ang suspek ay si Leo Lex Tumugdan, 20, kapwa mga residente sa naturang lungsod.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad na nag-inuman pa ang biktima at ang kanyang anak para pag-usapan ang lumalalang alitan ng asawa ng salarin at kapatid nitong babae.

Ngunit sa halip na mapag-usapan, nauwi sa sagutan ng mag-ama at inundayan ng saksak ng suspek ang kanyang ama.

Kaagad namang itinakbo sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara na itong dead on arrival.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga kinauukulan sa nasabing insidente at tinutugis na ang nakatakas na suspek. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.