Ama, Dedo sa Anak at Pamangkin

HINDI PA rin makapaniwala ang ilang kaanak ng isang ama ang malagim nitong sinapit sa mga kamay ng kanyang anak at pamangkin nang pagtulungan itong barilin malapit sa bahay ng isang alkalde.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Jaime Diaz, 44-anyos at residente ng sa Barangay Leones East, Tubao, La Union.

Kinilala ang mga suspek na sina Jan Michael Diaz, 22, anak ng bitkima; at Kent Panelo, 33-anyos na pamangkin naman ni Diaz.

Nabatid na hawak na ng pulisya ang dalawang suspek na sinasabing nagtangka pang tumakas matapos ang krimen subalit agad na nadakip ng mga ang rumespondeng awtoridad.

Sinasabing naganap ang pamamaslang sa biktima malapit lamang sa bahay ni Municipal Mayor Dante Garcia.

Ayon sa La Union Police Provincial Office, nakuha sa crime scene ang isang kalibre .45 na hawak pa umano ng biktima habang isang kalibre .38 pistola naman ang nakuha sa pag-iingat ng anak nitong si Jan Michael.

Subalit napag-alamang palaisipan pa rin sa mga kamag-anak ng tatlo ang krimen dahil wala naman umano silang alam na hidwaan sa pagitan ng mga ito.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.