Ama, Dakip sa Panghahalay sa Sariling Anak at sa Anak ng Asawa sa Una

SWAK SA balde ang isang ama na umano ay nanghalay sa kanyang sariling anak at pamangkin makaraang maaresto ng mga elemento ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan City Police sa kanyang pinagtataguan sa Samal, Bataan City kahapon ng umaga.

Si Salvador Daculan, 41, may-asawa, construction worker at residente ng Tonsuya, Malabon City ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Ho. Judge Ma, Teresa E. De Guzman- Alvares, presiding judgeCaloocan City Regional Trial Court Branch 131.

Ang suspek ay inireklamo ng kasong 2 counts of rape ni Elinita Apiag, ina ng dalawang batang biktima na itinago sa mga pangalang Elliana; at Jovie.

Ayon sa sinumpaang salaysay sa pulisya ni Jovie, anak sa unang asawa ni Apiag, sinimulan siyang halayin ng kanyang amain noong siya ay anim (6) na taon gulang pa lamang noong taon 2004 hanggang sumapit siya ng 13 gulang.

Ang ikalawang biktima na si Elliana, mismong anak ng suspek ay hinalay naman noong ito ay apat na taon gulang noong 2007.

Nang ireklamo ito ng kanyang asawang si Apiag ay nagtago na ito sa Samal, Bataan sa loob ng mahigit isang taon.

Si Daculan ay detinido ngayon sa detention cell ng Caloocan City police at nahaharap sa kasong 2 counts of rape na walang kaukulang piyansa.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.