Ayaw magbigay ng pera Ama, binentilador ng anak, utas

DAHIL LAMANG hindi na-bigyan ng pera, hinataw ng electric fan ng lasing na anak ang kanyang ama sa bayan ng Glan, Sarangani.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang nasawi na si Alfredo Salison, 62-anyos habang arestado ang anak nito na si Eric, 28-anyos, pawang residente sa Purok Acacia, Big Margus, Glan.

Ayon kay Chief Insp. Jaime Tabucon, chief of police ng Glan PNP, lasing umano nang umuwi sa kanilang bahay ang suspek at humingi ng pera sa kaniyang ama at hindi binigyan.

Dahil ditto, nagtalo ang mag-ama at nagalit ang anak kaya sinuntok ang electric fan at nasira.

Hindi pa rin tumigil si Eric at kinuha ang stand at pinalo sa kanyang ama.

Sa simula kanilang pinaniwalaan,  namatay ang biktima dahil sa sakit pero nakonsensya si John Day Villanueva, saksi sa pangyayari at kanyang sinabi ang lahat.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.