Ama, Binaril sa Harap ng Anak, Malubha

NASA MALUBHANG kalagayan ang isang retiradong empleyado nang pagbabarilin ito ng isang lalaki matapos ang isang mainitang argumento habang ang biktima ay lulan ng kanyang sasakyan sa harap ng isang paaralan sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nakaratay ngayon sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang parte ng katawan ay si Rodolfo Sate, 77, may-asawa at residente ng Phase 1, Evergreen Subd., Brgy. Gaya-Gaya, San Jose Del Monte, Bulacan.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ang mga awtoridad ng paghahanap laban sa suspek na nakilala sa alyas Diosdado Cornelip Acosta, na naninirahan sa Norzagaray, Bulacan.

Batay sa inisyal na im-bestigasyon ni SPO4 Danilo Salas, Deputy Station Investigation Section, ng Caloocan City Police, dakong alas-4:15 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa harap ng Genesis Christian Academy na matatagpuan sa Phase 9, Package 5, Bagong Silang, Caloocan City.

Nabatid na habang ang biktima sakay ng kanilang kotse na minamaneho ng kanyang anak na si Robirosa ay biglang humarang ang motorsiklo na sinasakyan naman ng suspek.

Mabilis na bumaba ng sinasakyang motorsiklo at kinausap ang biktima kung saan ang mga ito ay nagkaroon ng isang mainitang argumento.

Habang nasa kainitan ng kanilang pagtatalo ay mabilis na nagbunot ng baril ang suspek ay sunud-sunod na binaril ang matanda sa harap ng kanyang anak.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek habang ang biktima naman ay mabilis ding dinala ng kanyang anak sa nasabing pagamutan.

Nagsasagawa naman ngayon ng follow-up imbestigation ang nasabing himpilan ng pulisya upang mahuli sa lalong madaling panahon ang suspek at para malaman din ang motibo ng nasabing pamamaril.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.