Ama at 2 Anak, Todas; Kalabang Parak, Patay Rin sa Barilan

MASUSING IMBESTIGAS-YON ang isinasagawa ngayon ng mga elemento ng Caloocan City Police hinggil sa paglikida sa isang ama at dalawa nitong anak na lalaki at pagkamatay pa ng isang AWOL na pulis na kinasasangkutan ng tatlong riding-in-tandem sa Caloocan City kamakalawa ng madaling-araw.

Ang mga namatay ay sina Melecio Piccio, 56; ang dalawang anak na sina Elmer, 37; at Eric, 33, pawang residente ng King Solomon St., cor. Roses St., Brgy. 174, Camarin ng nabanggit na lungsod.

Kabilang sa mga namatay ay si P03 Ernesto Castillo, isang AWOL na pulis na nakatalaga sa Camp Caringal sa Quezon City.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, dakong alas-12:00 ng hating-gabi nang maganap ang nasabing insidente sa harap ng bahay ng pamilya Piccio sa nasabing lugar.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyang nag-inuman ang mag-aamang Piccio sa harap ng kanilang bahay ng biglang dumating si PO3 Castillo na naka-backride sa isang motorsiklo at pinagbabaril ang mag-aamang biktima, kung saan on the spot ay namatay ang matandang Piccio.

Mabilis na nagsikuha ng kani-kanilang baril ang magkapatid na biktima at pinaputukan ang riding-in-tandem, kung saan ay sinamang-palad na tamaan ng bala ang naka-backride na si PO3 Castillo na nagresulta sa pagkamatay ng nasabing pulis.

Mabilis namang rumesponde ang dalawang back-up riding-in-tandem at pinaulanan ng bala ang magkapatid na Piccio na nagresulta sa maagang kamatayan ng magkapatid.

Base teorya ng pulisya, posibleng paghihiganti ang motibo ng paglikida sa mga-aama dahil noong nakalipas na taon ay may binaril at napatay si Elmer na isang babae dahil lamang sa isang minor traffic incident.

May teorya pa ang pulisya na posible ring away-pamilya ang motibo sa naganap na insidente dahil umano sa tuluyang pag-angkin ng pamilya Piccio sa tinitirahan nilang bahay, kung saan ang tunay na may-ari ay kanilang tinakot at pinalayas.

Ayon sa mga kapit-bahay ng mag-aamang biktima, kilala sa kanilang lugar ang magkapatid na Piccio na pawang mga war freak. Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng manhunt operation ang nasabing himpilan ng pulisya para sa ikaaaresto sa mga nakatakas na kasama-han ng napatay na pulis.

Narekober sa dalang bag ni PO3 Castillo ang isang granada at isang kalibre .45 baril habang sa crime scene naman ay nagkalat ang mga basyo ng bala ng iba’t ibang kalire ng baril.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.