AMA, 2 PA, NILITSON NG ‘SINTO-SINTO’

SAN JOSE DEL Monte City, Bulacan – Natusta at halos hindi makilala ang bangkay ng tatlong katao na kinabibilangan ng mag-ina at ang lolo nito, makaraang sunugin umano ng anak na lalaki ang kanilang tahanan na umano’y may problema sa pag-iisip sa Sitio Visaya, Brgy. Tungkong Mangga, sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Sa ulat na tinanggap ni P/SSupt. Fernando Villanueva PNP Provincial Director, nakilala ang nasawing biktima na sina Arturo Relano Y Maceda Sr., 56 anyos, at ang mag-inang sina Jennifer Relano, 30, at anak nitong si Kailyn Villanueva, samantalang agad naman dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Allan Relano, Jr., 25, binata at umano’y may diperensya sa pag-iisip.

Sa report na tinanggap ng Command Center ng Bulacan 566, dakong alas-7;01 ng umaga nang magliyab ang bahay ng pamilya Relano kung saan na-trap sa loob ng tahanan ang mga biktima, na ayon sa ilang saksi ay bigla na lamang umanong nagliyab.

Bandang alas-8:10 na ng umaga nang ideklarang fireout na ang nasabing sunog.

Samantala pinipigil ngayon ng mga pulis ang suspek na sumunog sa kanyang ama, kapatid at pamangkin, habang pinag-aaralan pa kung sasampahan ng kaso ang suspek.

(Thony Arcenal)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.