Alyssa Alano, nabiktima ng dugo-dugo gang – Gorgy’s Park

NAKAKALOKA NAMAN ITONG nangyari kay Alyssa Alano kamakalawa lang kung saan nabiktima ito ng dugo-dugo gang.

Nalaman ko ito kay Butch Francisco na unang tinawagan ni Kuya Ricky Lo dahil nadamay ito sa pagbiktima kay Alyssa nitong dugo-dugo gang.

Ayon kay Butch, may tumawag daw sa manager ni Alyssa na si Annie Ayroso na ang sabi si Ricky Lo siya. Naniwala naman si Tita Annie dahil kaboses daw talaga nito si Kuya Ricky.

Ang sabi, interbyuhin daw niya si Alyssa kaya hinihingi nito ang cell number niya. Siyempre binigay naman agad ni Tita Annie.

‘Yun na nga. Tumawag daw itong nagpapanggap na Ricky Lo kay Alyssa at sinabing magkikita raw sila sa Tokyo Tokyo para doon sila mag-interbyuhan.

Ang nakakaloka, nagbilin pa itong kausap ni Alyssa na magdala siya ng gift certificates ng SM worth 50 thousand pesos at ibigay daw ito sa kanya. Huwag na huwag daw sabihin kahit kanino.

Sumunod naman si Alyssa dahil siyempre paniwalang-paniwala siyang si Kuya Ricky Lo ang kausap niya.

Pagdating sa Tokyo Tokyo, sinalubong siya ng isang mama at sinabing kasama daw niya si Kuya Ricky at parating na raw ito. Ibigay na lang daw muna sa kanya ang binili nitong 50 thousand worth na GC ng SM dahil nahihiya raw si Kuya Ricky na sa kanya mismo ito ibigay,

Feeling daw ni Alyssa parang nahipnotismo siya na sumusunod lang ito sa utos nung mama. Naghintay nang matagal si Alyssa at wala ngang dumating na Ricky Lo, nakaalis itong mamang tumanggap nung mga gift certificates.

Doon na ang nahimasmasan si Alyssa na naloko siya kaya kaagad na kinumpirma nito sa manager niya kung si Kuya Ricky nga ba talaga ang nakausap niya,

Nagkaalaman na sila na hindi nga si Kuya Ricky kaya pati ang huli ay nataranta rin sa nangyari dahil nagamit na naman siya.

Pangatlong beses na pala ito nangyari na ginamit si Kuya Ricky ng ganung modus operandi, kaya kaagad na humingi ito ng tulong sa NBI.

Nung huling nakausap ko si Butch Francisco, nasa SM pa ito at ginagawa nila ng paraang ma-trace ang taong kumuha nu’ng mga gift certificate at ma-hold ang mga GC na iyun para hindi magamit.

Nung mga oras na iyun ay parang tulala pa raw si Alyssa at hindi makapaniwala sa nangyari sa kanya.

Kaya dapat talaga mag-ingat na tayo ngayon, lalo na’t malapit nang mag-Pasko, ang daming mga ganu’ng modus operandi ang maaring makabiktima sa atin para lang kumita itong mga ganitong klaseng tao.

SA September 10 sa NBC Tent ay magkakaroon ng Bachelor Bash sa ang Cosmopolitan magazine na kung saan sa September issue nila ay featured ang mga nagseseksihang lalake.

Meron silang 69 bachelors at merong sampung centerfolds na kung saan nasa cover si Gerald Anderson.

Isa sa sampung centerfolds ay si Aljur Abrenica na ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ang event na ito.

Ang laki nang ipinagbago ng katawan niya ngayon dahil talagang itotodo daw niya ang pagpapaseksi para mapanindigan lang nito ang pagkapanalo niya bilang Ultimate hunk sa Starstruck 4.

Si Carla Abellana ang nasa cover nitong September issue ng Cosmo at sey nito, dadalo raw siya para isa sa makitili kay Aljur.

Siyempre, mga Kapuso hunks ang susuportahan niya lalo na’t saksi siya mismo kung paano mag-diet at mapaghandaan ni Aljur ang pagpapa-sexy nito.

By Gorgy’s Park

loading...

7 thoughts on “Alyssa Alano, nabiktima ng dugo-dugo gang – Gorgy’s Park

  1. puro beauty, walang brain, kala ko kunyari lang pagiging tanga tanga nya, yun pala nuknukan talaga ng katangahan etong babae na to.

  2. ang tanga2 naman kasi niyang si Alyssa talagang pinanindigan niya ang pagiging eng-eng niya. di ba muna niya pina-confirm kung talagang si Ricky Lo kausap niya at bakit basta-basta siya nagbigay ng 50k ng GC dun sa di niya kakilala? Pwede naman siyang nagpasama sa tokyo2. haaay nang nagsabog ng katangahan sa mundo sinalo lahat ni Alyssa!

    • grabe knmng mkpagsalita…may gnung mga tao tlga
      mdaling mniwala lalo na sikat na writter c ricky lo…ang
      pagka2mali lng nila bkit d nila tinwagan mismo c ricky l.
      kung tlgang sya un…wag taung mang husga agad…tao lng rin yang mga yan
      nagka2mali prng ikaw…ako dba?

Leave a Reply

Your email address will not be published.