Alyssa Alano, Lapitin ng Kriminal!

TALAGA YATANG LAPITIN ng masasamang elemento si Alyssa Alano. Last year, nabiktima ng tinatawag na Dugo-Dugo Gang ang sexy actress who lost P50,000 worth of gift certificates sa isang lalaking nagpanggap bilang Ricky Lo, her co-host in Startalk.

Weeks ago, muntik naman siyang manakawan ng isang motorcycle-riding suspect na umano’y nahagip ng kanyang sasakyan. Pero is na naman palang M.O. (modus operandi) iyon. At nitong huli, isa namang di-kilalang lalaki ang nakapasok sa tinitirhan niyang exclusive subdivision somewhere in Antipolo on the pretext na naghahanap daw ito ng bahay, pero ipinagtatanong kung saan nakatira si Alyssa.

Buti na lang, alisto ang mga nakatalagang guwardiya ng subdivision, nai-log nila ang plate number ng sasakyan ng mamang ‘yon. The case is now under investigation.

Sa ngayon, dobleng ingat ang ginagawa ni Alyssa. Hindi kami magtataka kung isa sa mga araw na ito, she goes around with bodyguards for her safety.

KINAILANGANG KONSULTAHIN NG Tweetbiz (which airs Mondays to Fridays at 7:40 P.M. with replays at 10:30 P.M. on QTV 11) ang mismong corporate lawyer ng GMA kaugnay ng napipintong paghalili ni Angelika dela Cruz sa kanyang namayapang kapatid sa Konseho ng Malabon City.

Ayon kasi sa aktres, nais niyang ipagpatuloy ang naiwang tungkulin ng kanyang beinte otso anyos na kapatid na si Edward who perished in a road mishap last June 7 in San Simon, Pampanga. Sa loob din daw kasi ng 45-day campaign period, sinamahan ni Angelika ang kapatid upang maglibot.

Pero ayon sa lawyer, it would take a special electoral process para makaupo si Angelika. Hindi naman daw kasi ito nag-file ng kanyang CoC (Certificate of Candidacy) noong eleksiyon, gaya ng kaso ni Lucy Torres na siyang pumalit sa asawang si Richard Gomez.

Ang kumandidato, pero nasa ikapitong puwesto ay hindi rin daw maaaring ipalit kay Edward, na siyang kasong hindi nalalayo sa babakantehing senatorial seat ni President-elect Noynoy Aquino.

Maluha-luha ngang nakiusap si Angelika sa mga talunang kampo sa Malabon City na huwa munang magdiwang, na tila ipinagpapasalamat pa ang sinapit ng kanyang kapatid. May mga nagpapaputok na raw kasi ng fireworks doon, na umaasang aakyat sa ikaanim na puwesto ang nakatunggali ni Edward.

Samantala, kahapon na nailagak ang mga labi ni Edward. Pag-uukulan muna raw ng kanyang pamilya ang pagpapanagot sa driver na nakasagasa sa biktima. Nakapagpiyansa raw kasi ito mula sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, and the dela Cruz family felt disgusted.

ISANG WALANG PUSONG hitman, kara-karaka kung manumba ng mga taong ipinatatrabaho sa kanya katapat ng presyong mahirap tanggihan. Pero paano kung ang susunod naman niyang ililigpit ay isang batang babae, manaig kaya ang kanyang kunsensiya?

Dito iikot ang pabuwena manong handong ni JC de Vera sa kanyang 5 Star Specials na pinamagatang Tato .45, simula na ngayong Miyerkules sa lalong bumubonggang Kapatid Network, ang TV5.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Related Post

loading...

2 thoughts on “Alyssa Alano, Lapitin ng Kriminal!

Leave a Reply

Your email address will not be published.