Alyas Puntanilla, Ipinangungulekta si Sec. Robredo: JUETENG MONEY, SWAK SA DILG

BILANG PAMBUNGAD NA operasyon ng tanggapan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo, ang “jueteng” o iligal na sugal ang agad nitong pinagtuunan ng pansin sa napakaraming lalawigan sa bansa.

Ngunit sa halip na ito ay ipatigil, “collection” diumano mula sa mga gambling lord ang inatupag nito sa pamamagitan ng isang nagpapakilalang collector na binasbasan umano ni Robredo.

Ayon mismo sa ilang kilalang gambling lord, isang alyas Eli Puntanilla ang lumapit umano sa kanila at humihingi ng collection para umano sa mismong tanggapan ni Sec. Robredo upang hindi lubusang ipatigil ang kanilang operasyon.

Sa kundisyong hindi babanggitin ang kanyang pangalan, isang nagpakilalang malapit na tauhan ng kilalang gambling lord na si Elmer Nepumuceno ng Marikina City ang nagsabi na maging ang kanyang amo ay nilapitan din ni Puntanilla.

Maging ang isang nagngangalang Dindo na “bagman” umano ng isa pang jueteng lord na si Tony S. ay nagsabing nilapitan din umano ni Puntanilla ang kanyang amo upang mangulekta ng pera na para umano sa tanggapan ni DILG Secretary.

Dahil dito, kinakailangan umanong linawin mismo ni Sec. Jesse Robredo kung talagang may basbas nga niya ang pangingikil na ito ni Puntanilla mula sa mga gambling lord sa bansa upang maisalba ang imahen ng DILG.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.