Alyas ‘Diablo’ ng Caloocan RDPSTM, salot sa mga motorista

LABIS-LABIS NA ANG pagkadismaya ng mga pampubliko at pribadong sasakyan sa mga tauhan ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) ng Caloocan City hall.

Ang nasabing departamento ay nasa ilalim ng pamamahala nina Mayor Enrico “Recom” Echiverri at ni RDPSTM Chief Al Santa Maria.

Ayon sa mga nadidismayang drayber, tila umano kinukunsinti nina Echiverri at Santa Maria ang kanilang mga tauhan sa RDPSTM na tinaguriang mga “buwaya” ng lansangan sa dahilang patuloy umano ang kaganapan sa “tong-pat”.

Isa sa mga tauhan ni Santa Maria na isang Gerry alyas “Diablo” ang labis na isinusuka ng mga jeepney driver dahil wala umano itong pinatatawad na mga nagkakasalang drayber sa batas-trapiko kapalit ng salapi.

Ayon sa mga dismayadong jeepney driver, hinuhuli sila ni Diablo kapag nagsasakay sila sa mga bawal na lugar, pero kapag ang mga drayber na nagsasakay rin sa mga bawal na lugar ay hindi nito hinuhuli ay dahil may lingguhang tong-pat ang mga ito.

Sinasabi pa ng mga drayber, kung susumahin ang kuleksiyon ni Diablo mula sa tong-pat, umaabot umano sa halagang P45,000 kada linggo.

“Magandang ehemplo si Diablo nina Echiverri at Santa Maria, sana kunin na kayo pare-pareho ni Lord,” wika pa ng mga drayber. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.