Alyansa Para sa Environmental Protection at Biodiversity Conservation

ISANG ALYANSA ang nabuo sa pagitan nina Dr. Elenita Binay at Henry G. Babiera, pangulo ng Guimaras Manggahan Foundation na susuporta sa mga pagsisikap para sa environmental protection at biodiversity conservation.

Sumanib sina Binay at Babiera sa environmental advocates upang himukin ang pamahalaan na istriktong ipatupad ang mga batas para protektahan and kapaligiran sa kabila ng lantarang pagkakalbo ng kagubatan na nagbubunga ng displacement ng mga hayop lalo na ‘yung halos extinct na, landslides, mudslides, illegal mining, illegal fishing at iba pang katulad na iligal na gawain ng tao.

Ipinangako ng dalawa na makikipag-uganayan sa lokal at international environmental groups at wildlife protectors upang manmanan at i-prosecute ang lahat ng nagdudulot ng panganib sa kapaligiran at wildlife.

Sa mga susunod na linggo, ang dalawa ay magpaplano ng mga konkretong hakbang na magiging bahagi ng kanilang programa sa loob ng limang taon. Bibisitahin din nila ang mga biodiversity hotspot sa buong bansa na magiging gabay nila sa kanilang course of action.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.