Alwyn Uytingco was victimized by April Fool’s Day!

ITINANGGI NI KEAN Cipriano ang tsismis na ayaw na niyang makapareha si Alex Gonzaga.
“It’s not true. I don’t understand why people keep saying that because they don’t really know me. I have not talked to anybody,” es-plika ni Kean na host sa Fantastik ng TV5.
“Actually, I saw her kanina. Okay naman and that’s the first time na nagkita uli kami, so masaya ako. We haven’t talked that much pero ‘yung vibes naman namin kanina is so nice,” dagdag-paliwanag ni Kean.
Nagkaroon ba ng strain sa friendship nila? “Siguro nagkataon lang na we’re going different ways. She has her own path, I have mine. Pero I’ve met her and I was given a chance to work with her.”
Will he be man enoughto admit na naging sila? “I am man enough even if I don’t admit that. I’m being honest now. We got to a point that we got really, really close. It’s not normal to have a love team in your life. I was given a chance to, you know, have one. Nagawa naman namin nang
tama ‘yung kailangan naming gawin. We shared some moments together. We shared bad moments together.  We shared the whole 2010 together kaya ako blessing sa akin ‘yon, eh.”
Medyo naguluhan lang kami sa sagot ni Kean sa aming simpleng tanong kung niligawan niya si Alex.
“That’s something na I don’t do. ‘Yung tanong mo hindi ko alam kung paano ko sagutin kasi hindi ko naman siya niligawan, hindi naman niya ako niligawan. Hindi ko alam kung panliligaw ba ‘yon. Gusto ko lang makasama ‘yung tao, share a part of your lfie together,” sabi ng band vocalist.
MEDYO MALAS YATA ang April Fool’s Day kay Alwyn Uytingco. Nagpunta kasi si Alwyn sa Fantastik noong April 1 bilang guest. Na-surprise na lang siya na hindi pala siya dapat guest noong araw na iyon. Nagkaroon yata ng miscommunication ang actor at ang kanyang handler. Inakala ni Alwyn na may taping siya sa Fantastik that day.
Since naroon na rin lang, nakipagtsika muna si Alwyn sa kanyang mga friends sa show. After a while, lumabas na siya sa Broadway Centrum. Laking gulat na lang niya nang makita niyang may bangga ang kanyang kotse na nakaparada sa isang drug store sa may Broadway. At dahil dito ay nagpunta si Alwyn sa presinto kasama ang isang staff ng show. Hindi naman na-identify sa amin kung sino ang nakabangga sa kotse ni Alwyn.

BILIB NA BILIB kami kay Aiza Seguerra. Wala itong takot na magpatutsada kay Willie Revillame sa Twitter.
Nabasa namin ang ilang entries ni Aiza sa Twitter kamakailan at wala siyang kagatul-gatol kung magpahayag ng kanyang saloobin.
“Hindi lahat ng tao, kaya mong takutin, patalsikin, paikutin, bilugin, patahimikin,” sabi niya sa isang tweet.
“Hndi ko maintindihan kng bkit sa dinami-rami ng taong pwdng biyayaan ng kapangyarihan,ikaw pa.Gamitin mo ng maayos, may hangganan ang lahat,” dagdag pa niya.
“Ang totoong pagbibigay, hindi kaila-ngan ipagmalaki, ipagsabi at ipagyabang.”
Agree na agree kami sa mga sinabi ni Aiza. Hindi dapat pinipigilan ang isang tao na mag-tweet lalo pa’t kaya naman niyang panindigan ang kanyang mga mensahe.

Ang latest development sa kontrobersiya ngayon sa Willing Willie ay kumpirmado nang hindi muna mag-a-advertise ang Mang Inasal sa show ni Willie. Mukhang hindi naman bothered ang show dahil marami pa namang natirang ads sa kanila. Ang tanong, paano kung magsunuran na rin ang iba pang ads, saan pupulutin ang show ni Willie?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

5 thoughts on “Alwyn Uytingco was victimized by April Fool’s Day!

  1. Ang mga artistang nag comment about Janjan sa Willing Willie ay sila ang mga personality na hindi nakialam noon sa gagawin sa ibang artists, ito ang first time na narinig natin sila na magcomment at hindi naman siguro sila magcomment nang ganuun lang kung they think na walang malisya sa kaganapan ng show na yon concerning that little boy. At makita mo naman talaga sa show na pinaglaruan lang nila ang bata para may kasiyahan ang mga audience at tv viewers at pina ulit ulit pa nilang pinasayaw. Kaya, hindi mo ma blame ang ibang mga personalities na nag comment. Maski sabihin pa ng iba na walang ginawang masama ang show na yon, but the fact that parang pinaglaruan lang nila si Janjan para makapag aliw sa tao to the extent that they tolerated his age inapproriate macho dancing style was another form of publicly humiliating the child.

  2. agree ako kay aiza ,monique at lea tama naman talaga ang sinabi ng tatlong ito ewan ko ba bakit ang daming bilib sa willi na yan eh kung sa yabang punong puno ang katawan nyan akala mo dios sos kilabutan ka nga willy

  3. i salute lea, aiza and monique and all the legitimate and respectable columnists who write about the unfortunate incident in the show of Willie Revillame. As usual, he is trying to diver the issue and brag about his supposed helping of the poor when in fact, he is getting millions in return while making it appear that he has a charitable heart. He gains more that he gives.

  4. yung sa photo, hindi ata si Alwyn yan kundi si Charles ng SCQ before…….sa sunod kung maglagay kau ng photo make it sure na tama yung nasa photo..thnx

Leave a Reply

Your email address will not be published.