Alwyn Uytingco at Jennica Garcia, matagal nang kasal

NAUUSO TALAGA ang kasalan ngayon, ha! Ang tinututukan ngayon na kasalan ay ang kina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at ang kina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Pero tatahi-tahimik lang ang magkasintahang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia.

Kaya pala medyo lie low na ngayon si Jennica sa showbiz dahil nu’ng February pa pala siya Mrs. Uytingco.

Kunsabagay, noon pa man ay sinasabi ni Alwyn na gusto niyang pakasalan si Jennica.

Wala namang problema dahil tanggap na rin daw ni Jean Garcia si Alwyn bilang manugang.

Ang sabi lang ng mga mahadera, bakit pa raw nila in-announce, eh parang hindi naman inaalam na ng mga tao.

Ang dinig ko kasi, magsasama sila sa isang programa ng TV5 na Wattpad Presents.

Okay fine! Tingnan na lang natin kapag maipalabas na ang programa nila sa Kapatid Network.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.