Alwyn Uytingco, bagong BF ni Jennica Garcia?!

MUKHANG ANG MAGALING na Kapamilya young actor na si Alwyn Uytingco na ang ipinalit ni Jennica Garcia sa dati nitong boyfriend na si Mart Escudero, na tulad ni Jennica ay isa ring Kapuso. ‘Yun eh, kung aamin sa namumuong “relasyon” nila sina Jennica and Alwyn.
Wala rin namang masama ang magmahal o ma-in love sa isa’t isa, as long as their single, and wala silang mga “sabit” sa kani-kanilang lovelife. Si Alwyn, na-link rin romantically kay Princess Ryan a couple of years back, pero ang bagong pinag-uusapan nga ay sina Alwyn and Jennica.
Nasulat kasi sa isang tabloid na bumibisita si Jennica sa shooting ng indie film na ginawa ni Alwyn recently, ang Pendong. Isa itong road trip comedy flick na pinagbibidahan ng young actor, kasama sina Felix Roco and Will Devaughn, mula sa direksiyon ni Sean Lim, script ni Archie del Mundo, at kung saan executive producer si Mark Shandii Bacolod.
Kung pumunta roon si Jennica, she has her reasons siguro. Or maaaring na-develop na rin kay Alwyn, na nagsimulang maging friends? Siguro naman, alam ng anak ni Jean Garcia na may tenga at mata ang balita, kaya imposibleng hindi ito makarating sa press.
As for Alwyn, kapag siguro nagpa-presscon o pocket interview ang Pendong ng Oxin Productions, doon pa lang namin makukuha ang kanyang pag-amin – kung aamin man – sa namumuong pagmamahalan nila ni Jennica.
Sabi nga, mga bata pa naman sina Alwyn and Jennica at malaya silang magmahalan, kung tumibok man talaga ang kanilang mga puso for each other. May gano’n? Ha-ha-ha!
Ang press nga, mas feel pa ‘yung may pinag-uusapang “lovelife” sa mga artista. Kesa naman maging “boring” ang kanilang mga buhay, mas doon na kami sa napag-uusapan ang lovelife, ‘noh! Ha-ha-ha!
Exciting ding abangan ng kani-kanilang fans ang development ng love story ng kanilang mga idol, aminin natin ‘yan. Matakot tayo kapag walang nali-link romantically sa mga bagets na ito, ‘noh! Baka mga baklesh at tomboyita ang walang lovelife!
Iisa rin ang business manager nina Alwyn and Jennica in the person of Direk Manny Valera, at iisang handler na si Beth delos Reyes.
Pero sa tagal na naming pagkakaibigan ni Direk Manny, eh never nanghimasok ito sa lovelife ng kanyang mga alaga, kahit kina Polo Ravales, Alessandra de Rossi, and Niña Jose, as long as ginagawa nilang mabuti ang kanilang trabaho bilang professional artists.
May kasamahan din sa panulat na nakakitang naka-post sa Facebook account ni Alwyn ang pics nila ni Jennica together, huh. Sabi-sabi, Holy Week pa lang ay magkasama na sa Baler, Aurora ang dalawa?
Oo nga pala, pasok din sa Cinemalaya entry na Rekrut si Alwyn (na mas guwapo in his short haircut) this July, pero mauuna munang ipalabas sa June ang Pendong, kung saan may special appearance si Bembol Roco.

NEWSBITS: NAGPASABOG NA naman ng kanyang mga chika si Rosanna Roces sa Paparazzi ng TV-5 kahapon (Sunday), tungkol sa mga nakagalit niyang sina Dra. Vicki Belo at Lolit Solis. Dito rin nagkabati ang nagkasamaan ng loob na sina Osang at Cristy Fermin na isa sa hosts ng show…

AS EXPECTED, RUMATSADA ang DongYan fans sa premiere night ng You To Me Are Eveything, ang Dingdong Dantes-Marian Rivera romantic comedy from Regal Entertainment and GMA Films, directed by Mark Reyes, kung saan kasama rin si Isabel Oli. Bukod pa ito sa separate premiere ng DongYan fans sa SM The Block sa May 6, huh!…

For feedback, please e-mail us at mell_navarro@yahoo.com.ph

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

3 thoughts on “Alwyn Uytingco, bagong BF ni Jennica Garcia?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.