Always wanting to be by Robin Padilla’s side: Mariel Rodriguez doesn’t feel working anymore?

MAINGAY ANG USAP-USAPANG flop ang pelikulang unang beses pa namang pinagtambalan ng newly wed couple na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Sobrang hina raw talaga nito sa takilya lalo na nu’ng opening day. May balita pang sa isang sinehan na naroon sa isang dinarayong malaking mall, naka-14 thousand lang daw ito ng gross sa isang buong araw hanggang gabing pagpapalabas nito. May report din namang sa pinagsamang gross lahat ng sinehang ipinalabas ito, 550k daw on it’s first day, and 450k sa second day. Mahina pa rin for a Robin starrer.

Nakakalungkot kung totoo ito. Lalo on Robin’s part na siyang producer at direktor din nito. Todo ang ibinigay niyang effort na mapaganda ang pelikula na kinunan pa nga nila sa India. Sa puso ng action superstar, nando’n ang sincere niyang hangaring makatulong sa pagpapasigla ng local movie industry kaya nga nag-produce na siya ng pelikula.

Ano nga kaya ang naging problema at hindi kinagat ng moviegoers ang tambalang Binoe-Mariel? Ibig kayang sabihin ay walang dating sa publiko ang tandem nila?

Ayaw ni Toni Gonzaga!

SPEAKING OF MARIEL, balitang tinatamad na nga raw itong magtrabaho at ang gusto’y kay Robin na lang ibuhos ang kanyang pansin. Mas gusto raw ng TV host na tumunganga at titigan na lang nang titigan ang napangasawang action star.

Si Robin naman, nagpahayag nga na hindi niya gustong parang sa kanya na umiikot ngayon ang mundo ni Mariel. Aniya nga, nakapanghihinayang nga raw kung pababayaan ni Mariel ang kanyang career lalo na ang TV hosting kung saan nga ito magaling.

Hindi rin nga siguro sanay si Binoe na ang kabiyak ng kanyang puso ay sa kanya na lang isisentro ang mundo at buong buhay nito. Kung hindi maaawat si Mariel sa ganitong drama, hindi kaya taba-ngan o magsawa si Robin sa kanya?

‘Yun na!

Marami rin ang naiintriga kung bakit tila ayaw ngang naririnig umano ni Robin ang pangalan ni Aljur Abrenica na nali-link ngayon sa anak niyang si Kylie. Mukhang hindi raw boto ang action star sa binata to be his daughter’s boyfriend.

Kasi naman si Aljur, simula nang mabalitang nanliligaw kay Kylie, kahit isang beses ay hindi pa umano nagkalakas ng loob humarap nang personal kay Robin para magsabi ng kanyang hangarin sa dalaga.

Pero teka… ‘di ba at balitang sina Rich Asuncion at Aljur pa rin daw until now? Huwag na huwag lang lolokohin ni Aljur si Kylie at siguradong may paglalagyan siya kapag binuweltahan ni Binoe.

Mismo!

SIMULA NGAYONG GABI, hindi na muna nga mapapanood ang Willing Willie. Marami nga ang nagulat nang biglang i-announce last Friday ng host at producer nito na si Willie Revillame na ihinto muna pansamantala ang pag-ere ng nasabing top rating primetime show ng Kapatid Network.

“Nakipag-usap ako sa presidente po ng TV5, si Atty. Rey Espinosa, na magpapahinga muna po ako,” malungkot na pahayag ng TV host. “Starting Monday (April 11), hanggang next week at sa Holy Week, wala munang Willing Willie. Humihingi lang muna po ako ng pagkakataon at sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito.”

Usap-usapan ding walang choice umano si Willie kundi ihinto muna ang pag-ere ng kanyang show dahil nagpu-pull-out na ang mga advertisers at sponsors nila.

Ang sabi lang ni Willie, “Wala pa pong husga, eh. Wala pa sa kaso. Ginawa nila akong criminal,” aniya pa.

Tsk… tsk… tsk!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Related Post

loading...

9 thoughts on “Always wanting to be by Robin Padilla’s side: Mariel Rodriguez doesn’t feel working anymore?

  1. TO MARIEL AND ROBIN I’M NOT THIER FAN AND NOT THIER HATER BUT SAD TO SAY THEY DONT HAVE GREAT CHEMISTRY TO DO A MOVIE TOGETHER JUST A WASTE OF MONEY.BETTER LUCK NEXT TIME.MAG TELESERYE NA LANG SI ROBIN AND HOSTING SI MARIEL.

  2. TO WILLIE I’M NOT SURPRISED IF HIS GAME SHOW WILL BE OFF THE AIR HE HAS SO MANY CHANCES TO CHANGE HIS WAYS BUT STILL HE DID NOT LEARNED HIS LESSONS.

  3. konting delicadeza, agree ako sa mga sinasabi mo about their lacking in professionalism. Mga tao kasi hindi makalimut. Oo nga, ano ba ang rason bakit ba linayasan ni Robin ang Pilipinas Win Na Win? Yong awayan din ni Mariel with Toni ay nagbigay ng malaking nega kay Mariel, lalo na at nagsalita rin si Lucky Manzano at KC Concepcion.

  4. Mariel has burned her bridges with a lot of people. You reap what you sow. Masama ang ipinunla kaya walang taong may gusto sa kanya. Si Robin naman, sa edad niyang ito, umaarte pa kasing bagets at ang ginawa niyang pag abandon sa Pilipinas Win na Win ay nakatanim pa rin sa isip nang marami. These two are lacking in professionalism. Maski bayaran ako, hindi ko ito panonoorin.

  5. plastik pa yang si willie, porke nawala siya sa noontime slot ng dos at napalitan nina randy at john, todo promote siya ng eat bulaga, halatang naghahanap ng kakampi kina TVJ, buti ngang mawala na yang mayabang na yan at enjoyin na lang niya at maghihiga siya sa pera niya habang buhay pa siya, dahil hindi naman niya madadala sa hukay yun eh

  6. sa 22o lang naman ndi namantlaga tatagal wlang ratings kya lang talaga pinipilit ng abs ndi ba?mayaman naman ang stasyon kya wlang problema kya lang mahina ang kta malayo sa ratings ng eb 25 at ang hyy ay almost6 lang…basta laban willy wag patalo sa mga inggit..halatang halata naman

  7. Si willie talaga, mahilig mag paikot ng mahihirap. Magaling mag linanya, kayang tumira ng tao huwag langsiya ang titirahin mo. Naghahanap ng kakampi, kaya kesyo si Villar ang ikinumpanya nya, kesyo tinitira sya ng ABS CBN, Kawawa naman no peace of mind si Willie miski maraming pera. Kung sino sino ang dinadamay sa prublemang ginawa nya. Kung yung si Jan Jan ay napasayaw ng ganoon at basta ibingay nya yung premyo di wala sanang ganitong prublema, the problem eh paulit ulit nilang ginawa at nagtatawan pa sila lalo sya, so talagang child exploitation yun. Tanggapin mo na willie na sobra ka na talaga. Ikaw ang may gawa ng lahat ng pprublema. Na karma ka lang sa ginawa mo kay John Etrada. Tama ba yung ginawa mong pagpahiya kay John? Ikaw mismoang nagsabi na hindi tatagal yung show ni John sa ABS CBN. Diyos ka ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published.