Althea Vega, ‘di napipikon ‘pag sinasabing kamukha ni Ryzza Mae Dizon

MARAMI ANG nagsasabing magkamukhang-magkamukha sina Althea Vega, ang bida sa pelikulang Amor Y Muerte ng Cinemalaya at si Ryzza Mae Dizon.

Ayon naman kay Althea, hindi siya nagagalit na kamukha nga niya ang sikat na batang si Ryzza Mae. Noong bata raw siya ay kamukha niya talaga si Ryzza, at may mga baby picture pa siya na kahawig nga niya ang batang actress.

Sabi pa nga ni Althea, willing na willling siyang mag-guest sa show ni Ryzza na The Ryzza Mae Show sa GMA-7.

“Hindi ako galit, natutuwa nga ako,” sey niya sa amin.

Sa latest movie niya, masasabi naming made na nga ang morenang actress.

Masuwerte si Althea dahil nga makahahanay niya sa Cinemalaya best actress nominees sina Vilma Santos at Alessandrea de Rosi. At ngayon ay nasa poder ng kaibigang Direk Manny Valera si Althea, ang DMV Productions.

 

HINUHULAAN NA simula ngayon, Lunes, na madadagdagan ang mga show ng GMA-7 na mamamayagpag sa ratings. Sinimulan ng My Husband’s Lover, at ‘eto nga ang pampamilyang serye na Binoy Henyo na ang bida ay batang aktor na si David Remo na anak ng dating talent manager na si Don Remo.

Gaganap na nanay ni David si Sheena Halili. First mother role ito ni Sheena na ngayon natin malalaman kung katanggap-tanggap ba siya. Make or break nga ba ito para sa kanya? Baka kasi ma-typecast na siya na mag-nanay sa mga serye.

“Ipinagkatiwala nila ito sa akin, kaya sana ay hindi ako mapahiya sa kanila (GMA-7),” sey ni Sheena.

Kakaibang kuwento at kakaibang Sheena… Abangan.

 by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

2 thoughts on “Althea Vega, ‘di napipikon ‘pag sinasabing kamukha ni Ryzza Mae Dizon

  1. ALAM KO NA KUNG SINO PA ANG KAMUKHA NITONG STARLET NA ITO BUKOD KAY ALING MALIIT, SI TECHIE AGBAYANI. HAHAHA!

    • HAHAHAHAHA. KAMUKHA NGA NG KONTI. KONTI LANG HA. KASI MAGANDA NAMAN SI MISS TETCHIE AT CUTE NAMAN SI ALING MALIIT.

Leave a Reply

Your email address will not be published.