Alok na Trabaho sa Canada: HSWs, Pinag-iingat ng DOLE

NAGBABALA ANG Department of Labor and Employment (DoLE) sa mga Filipino household service workers (HSWs) na nagtatrabaho sa Hong Kong laban sa mga inaalok na pekeng trabaho sa Canada.

Sinabi ni Philippine Overseas Employment Administration chief Hans Cacdac na nasa 44 Filipino HSWs sa Hong Kong ang nabiktima ng panloloko kung saan nagbayad pa ng placement fees para sa pekeng trabaho sa nasabing bansa.

Tinukoy ni Cacdac ang Yamsuan and Associates Overseas Employment Services Ltd./Pacific Management Services Ltd., na umano’y pina-

ngangasiwaan ng Pinoy, ang nagpaskil ng advertisement sa isang English newspaper sa Hong Kong upang akitin ang mga manggagawa na magbayad ng hanggang sa 300 dollar na placement fees para sa umano’y trabaho sa Canada ngunit natuklasan na isa pala itong panloloko at huwad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.