Alodia Gosiengfiao, Reyna ng Cosplay

ALODIA GOSIENGFIAO, DUBBED as the Queen of Cosplayers, was recently interviewed by KC Concepcion on The Buzz’s KCX portion. Dala siguro ng kanyang pinagrereynahang larangan kung kaya sa unang tingin ay akala mo isang Japanese or Chinese si Alodia. Sabi niya, “Meron akong 1/8 Chinese at ¼ Spanish blood but the rest is Filipino. I am 100% Filipino at heart.”

Nagkuwento siya about her childhood. Mahilig daw siya sa anime and mostly video games at doon daw siya na-inspire. Although she wears flamboyant costumes during cosplays, Alodia maintains that she is camera shy.

Paano ba siya naging Reyna ng Cosplay? “’Di ko nga alam kung paano nangyari. Parang bigla na lang may isang tumawag sa akin na Reyna ng Cosplay at may mga sumunod.” A cosplay is a costume role playing but the person also has to act like the character he is portraying. Just imagine Alodia during her famous cosplay participations like Isis from Ragnarok Online, Chii from Chobits, Creature Pink from GunBound, Quistis Trepe from Final Fantasy VIII, Alexiel from Angel Sanctuary, and Arua from ROSE Online.

Para sa mga hindi nakakaalam, Alodia’s uncle is Joey Gosiengfiao, the director of Temptation Island. “Uncle ko po si Tito Joey. Cousin siya ng dad ko.” Since may dugong showbiz naman si Alodia kaya hindi nakapagtataka na pumasok din siya sa showbiz. She will host a new ABS-CBN show titled Laugh Out Loud (LOL) together with Luis Manzano. Isa itong prank show kung saan masusubukan ang pasensiya ng mga celebrities at ordinaryong tao kapag sila ay nalagay sa isang situwasyon.

How is it working with Luis? “Masaya naman kasi he’s a funny person. Iyon ang goal ng show, ang mapatawa ang mga tao,” Alodia said. Ngayon pa lang ay iniintriga na silang dalawa ni Luis. Balita kasing ideal man daw ni Alodia si Luis. “First of all, nakakatawa siya! Gusto ko talaga ng nakakatawang tao. You know mahilig akong tumawa. He is a gentleman at kaya niya akong saluhin kasi baguhan pa lang ako. Inaalalayan niya ako,” paliwanag niya.

Pero bago pa man magsanga-sanga ng iba’t ibang balita tungkol sa kanilang dalawa ay ipinagtapat ni Alodia that she has a special someone right now. Ito ay walang iba kundi si Renren Cayetano, the brother of Direk Lino and Senator Pia Cayetano. “Matagal na kaming magkakilala and matagal na rin kaming going strong.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

8 thoughts on “Alodia Gosiengfiao, Reyna ng Cosplay

  1. Ganda at cute nya, i remember she was interviewed one time and tinanong sya kong anong sabihin nya kong pupurmahan sya ni Luis Manzano kasi kasama sla sa Laugh Out Loud ba yon? At sagot nya was “Better Luck Next Time” at sabay halakhak at tawanan, :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.