Alodia Gosiengfiao, No More Cosplay

BAGO PA MAN naging co-host ni Luis Manzano sa LOL (Laugh Out Loud) si Alodia Gosiengfiao, sikat na ang dalaga sa mundo ng Cosplaying hindi lang sa Pilipinas, kundi maging sa buong Asya.

Sa katunayan nga, si Alodia ang tinaguriang ‘Queen of Cosplay in Asia’. Nabigla ang kanyang mga tagahanga nang mag-post ito ng video sa kanyang official Facebook fanpage na pansamantala muna itong magpapaalam sa pagco-cosplay. Nais ng dalagang bumalik muli sa pag-aaral at gusto niyang ibigay ang full concentration niya rito.

Hindi naman nilinaw ni Alodia kung pati ang kanyang hosting stints ay tuluyan na niyang bibitawan.

AGA MUHLACH, INIYAKAN NI MA’AM CHARO!

It’s confirmed! Tuluyan nang pumirma ng three-year non-exclusive contract si Aga Muhlach sa TV5 noong March 30, 2011. Nakatakdang gumawa ng tatlong TV show si Aga sa Kapatid network at ang una rito ay ang pagho-host sa isang reality TV show. Gagawa rin ito ng pelikula ang ‘Forever Heartthrob’ ng showbiz sa Studio5, ang bagong film outfit ng TV5.

Inamin ni Aga na umiyak si Charo Santos-Concio nang magpaalam ito sa kanya. Hindi naging madali ang paglipat ng aktor dahil naging identified na rin siya sa Kapamilya Network. Hindi naman tuluyang tinalikuran ni Aga ang Dos dahil may pelikula pa ito sa Star Cinema kasama si Angel Locsin.

Marami naman ang nagtataka kung ano na ang estado ng supposedly reunion movie nila ni Regine Velasquez na pinamagatang Of All The Things.

MARIAN RIVERA, SUPORTADO SINA DINGDONG AT KRIS!

Busy as a bee na naman ang beauty ni Ma-rian Rivera. Maliban sa kanyang epicseryeng Amaya na malapit nang ipalabas, dalawang pelikula pa ang nakatakdang gawin ng Primetime Queen ng Siyete, ang remake ng Temptation Island at ang pagsasama nila ni Bong Revilla sa Panday (Ikalawang Aklat).

Masaya si Marian sa line-up ng Temptation Island dahil pawang mga close friends niya ang makakatrabaho niya. Matitigil na rin ang tsikang may tension sa pagitan nina Sen. Bong at Marian dahil nag-umpisa na itong mag-shoot para sa Panday 2. Nang tanungin naman tungkol sa plano nina Dingdong Dantes at Kris Aquino na mag-produce ng pelikula this year, halatang mas excited pa si Marian at 100% ang suportang ibibigay niya rito.

Matagal na raw itong plano ng dalawa at natutuwa siya dahil sa wakas ay matutuloy na ang nasabing collaboration.

EDU MANZANO, BAGONG HOST NG FAMILY FEUD!

Dahil nasa bakuran na ng TV5 ang original Family Feud Philippines host na si Richard Gomez, si Edu Manzano na ang bagong bida sa nasabing game show. Mag-uumpisa nga-yong Abril ang Family Feud: The Showdown Edition. May ilang segments mula sa original show ang muling ibabalik at meron din itong mga bagong pakulong tiyak na kagigiliwan ng mga manonood.

Inaabangan na kung paano ang magiging atake ni Edu sa programang dating hinawakan ni Goma. Ilalagay ito sa morning slot ng Siyete at inaasahan na rin na ikukumpara ang hosting styles nina Edu at Goma. Ito ang magsisilbing ikalawang game show na hahawakan ni Edu simula nang lumipat ito sa Siyete.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

ShowTwitz

About the Author

has written 45 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Alodia Gosiengfiao, No More Cosplay

  1. eeewww if you could only see ren cayatano.. alodia’s boyfriend?? eewww… he’s really oooolllldddd… he could be alodia’s father like mom like daughter.. soo the rumor about alodia’s mom being a gold digger by marrying rich earthscent dude for money is hell true.. i think she even persuade alodia to have ren as her boyfriend cause ren is rich.. and old.. haha

  2. Ang totoo, yan ay isa lang sa mga paparating na pasabog ng new show daw nina Vhong Navarro, Zanjoe at Alodia.

    Ang school daw na sinasabi ni alodia ay ang school na setting sa isang japanese tv-series na ireremake ng abs-cbn at silang tatlo ang magbibida.

    para syang shaider/power rangers.

Leave a Reply

Your email address will not be published.