Alodia Gosiengfiao: Cosplay Queen

NOONG NAKARAANG LINGGO, naging usap-usapan sa iba’t ibang showbiz-oriented talk shows ang diumano’y namumuong pag-iibigan sa pagitan nina Luis Manzano at Alodia Gosiengfiao. Ito kaagad ang itinurong dahilan kung bakit naudlot ang pakikipagbalikan ni Luis Manzano sa dating girlfriend na si Angel Locsin. Ano nga ba ang totoo?

Sa mismong pictorial ng bagong programa ng ABS-CBN na LOL (Laugh Out Loud), naispatan ng ilang reporters sina Luis at Alodia at pareho silang gulat sa kumakalat na tsika. Ilang beses na raw silang nakitang magkasamang lumalabas at agad naman nila itong itinanggi. Unfair din ang mga paratang ginagamit daw diumano ni Alodia si Angel Locsin para sumikat.

Ang hindi alam ng ibang tao, may sarili nang fanbase si Alodia hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong Asya. Si Alodia Gosiengfiao ay kilala na bilang ‘Queen of Cosplay in the Philippines’.

Ang pagko-cosplay o costume play ay nangangahulugan na ikaw ay magbibihis bilang isang anime o cartoon character at ito ay iyong aaktingin. Kilala si Alodia sa kanyang angking galing at talento sa larangang ito. Madalas ay kasama nito ang kanyang nakababatang kapatid na si Ashley. Kilala siya sa ‘underground’ scene kaya huwag na kayong magtaka kung isa sa mga araw na ito ay lumitaw ang kanyang mga tagahanga para siya’y ipagtanggol.

Hindi pa man naipapakilala nang pormal sa mainstream si Alodia Gosiengfiao, napag-uusapan na ito.

Dapat malaman ng madla na hindi basta-basta ang dalagang ito. Makikita ninyo ang ilan sa kanyang mga larawan at mga artworks sa kanyang official website na http://blackmage9.deviantart.com/

For comments and suggestions, please e-mail us at pinoyfansclub@gmail.com. Visit our site at http://www.pinoyfansclub.com.

For comments, questions and suggestions, kindly e-mail us at pinoyfansclub@gmail.com and visit Pinoy Fans Club.

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.