Alma Moreno, married to Marawi city mayor

OLA CHIKA! HABANG papalapit ang laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, tila excited ang lahat ng Pilipino, dahil tiyak na patutumbahin ng hari ng ring ang kalabang si Ricky Hatton. Ngunit kung gaano kabilis magbigay ng suntok sa mga kalaban niya, ganu’n din naman kabilis ang pagkadismaya ng mga Pilipinong sumusuporta kay Pacquiao.

Hindi nga raw kasi marunong tumupad si Pacquiao sa mga kasunduang pinasok niya. Tulad na lang nu’ng naging isyu7 sa kanya kamakailan lang na lilipat na siya ng istasyong magko-cover ng kanyang laban kay Hatton, huh!

Ilan nga sa aking nakakausap na nagsasabing kung noon, nayayabangan na sila sa Pambansang Kamao, mas lalo raw tiong yayabang kung papalarin sa pulitika, huh! Ang tanong, eh, kung lulusot ba naman siya? Dahil nga sa mga maling desisyong nagawa niya, na lumalabas pang wala siyang paninindigan, at kung sinu-sino pa ang itinuturo niya, lalo siyang mangungulelat. Hanggang boxing nga lang siya.

Kaya nagkakaganu’n ang Pambansang Kamao, dahil may nagmamani-obra sa kanyang kautakan. Hmmm… tapos, may nagsusulsol pa sa kanya na pasukin ang pagiging congressman sa kanyang lugar sa Saranggani, huh! Hindi na ba siya nadala? Kung natalo na siya noon, pa’no pa kaya ngayon?

Hindi ko po hinuhusgahan si Pacquiao, ngunit hindi na sana siya mag-inarte pang papasok sa pulitika. Ayon sa aking kachikahan, kung gaano kagaling sa boxing, konting kibot na mali, sasapaw na sa iyong pagkatao, at hindi na ito matatanggal. Tila bahagi na ng iyong pagkatao. Naku, ha!

IKINASAL NA NGA ang ina nina Vandolph at Mark Anthony Fernandez na si Alma Moreno kay Marawi City Mayor, Fahad “Pre” Salic. Tila masaya ang aktres ngayon sa kanyang bagong pag-ibig.

Kung nakapagsusuot ng mga bikini outfits at seksing kasuotan si Alma, tila bawal na ito ngayon, huh! Naku, hindi ko ma-picture kung ano ang hitsura ng aktres na mukha lang ang makikita.

Pinag-aralan na ni Alma ang kultura ng mga Muslim, at buong kamay siyang tinanggapo ng mga kababayan nating Muslim. Sa ilang larawang kuha sa kasal ng aktres, tila abot-tenga ang ngiti nito.

Pero sa likod ng kasalan, hindi nawala ang mga intriga sa aktres, huh! Ayon sa aking parazzi girl, kaya raw nagpakasal si Alma sa Mayor ng Marawi ay dahil sa napakalaki raw ng ibinigay nitong datung at mga ari-arian, bukod pa sa mga alahas at kung anu-ano pa, na hindi akalain ni Alma na makakamtan niya. Ganu’n nga raw kasi sa kultura ng mga Muslim ‘pag nagpapakasal, may ibinibigay na kayamanan ang lalaki sa pakakasalang babae. Kaya tinanggap naman iyon ni Alma.
Nakakaloka. Huh! Dagdag pa ng aking parazzi girl, ginamit raw ni Alma ang utak nito, huh! Chika pa ulit, kaya naman daw mag-asawa ng marami ng lalaking Muslim, basta may datung ito, huh! Nakakaloka, ha?!

Pero kung anuman ang intriga sa kanya, kita naman sa mga mata ni Alma ang labis na kasiyahan sa bago nitong asawa. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

One thought on “Alma Moreno, married to Marawi city mayor

  1. paquiao, ang msabi ko lng sau magconcentrate ka nlng sa boxing ang politika ay d pra sau..tga gensan din ako kya plz lang wag mu na gmtin ang popularity mu pra lang tumakbo sa pulitika.kng gus2 mu tlagang mk2long sa bayan ntin ay tumulong ka mraming paraan…galingan mu nlng sa boxing ayokong mtalo sa pustahan nmin malaki pa nmn hehe..peace!

Leave a Reply

Your email address will not be published.