Alma Moreno, inaming hiwalay sila ng asawang mayor ng Marawi!

NAGULAT SI Alma Moreno nang tinawagan ng Startalk staff namin na interbyuhin daw ito tungkol sa kumalat na balitang hiwalay na raw sila ng asawa niyang mayor ng Marawi na si Mayor Fahad Salic.

Mayor Pre ang tawag ni Alma sa asawa na nilinaw nitong asawa pa rin niya hanggang ngayon.

Nagtataka raw siya bakit lagi na lang ibinabalitang hiwalay na sila, gayong hindi naman daw talaga totoo.

Totoong hiwalay sila dahil nasa Parañaque si Alma na konsehal doon, at si Mayor Pre naman ay nasa Marawi naman na mayor nga roon.

Sabi naman ni Alma, siya naman daw ang tipong hindi nagtatago sa mga nangyayari sa buhay niya.

“Hayaan n’yo! Sa-sabihin ko naman sa inyo kung may bagong nangyari,” natatawang sagot ni Alma sa Startalk.

Kunsabagay, hindi naman si Alma ang tipong nagtatago kung may isyu talaga siya. Open naman ‘yan sa lahat.

Kaya, hindi naman siguro totoo ‘yang isyung hiwalayan.

Natatawa na lang si Alma dahil bakit lagi na lang daw siyang iniisyuhang hiwalay na.

Nu’ng in-interview nga ng Startalk si Alma, nasa opisina niya ito sa Parañaque at ipinakita ang mga litrato sa opisina niya na magkasama sila. Kung hiwalay na raw sila, wala raw makikita na litrato ng asawa niya sa kanyang opisina.

Sabi naman ni Alma, madalas nga silang hindi magkasama dahil pareho silang abala sa kanilang responsibilidad.

Gusto nga raw ng asawa niya na sumama na siya sa Marawi, pero hindi naman puwede dahil abala rin siya sa Parañaque.

 

HINDI PA rin humuhupa ang banggaan nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro.

Nu’ng nakaraang Lunes lang, balik-hearing na si Annabelle para harapin itong mga kaso niya. Ang unang hearing niya sa 2012, ang kasong Theft na isinampa niya laban kay Nadia Montenegro.

Hindi dumating si Nadia sa hearing na ‘yun, kundi ang abogado niyang si Atty. Maggie Abraham. Kinuha lang naman daw nila ang complaint na nai-file ni Annabelle para sagutin na nila ito.

Sa January 30 ang susunod nilang hearing, at kaila-ngang dumalo si Nadia para i-submit na nito ang counter-affidavit niya.

Ang sabi ni Annabelle, dadalo rin siya sa hearing na ‘yun, at paghahandaan na raw niyang hindi siya magagalit para hindi na maulit ang nangyaring gulo nu’n sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Sabi naman kasi ni Annabelle, kaya lang daw siya nagagalit kapag kasinungalingan ang naririnig niya, kaya hindi ito makapagpigil.

Kaya sinabihan na siya ngayon ng piskal na maging mahinahon siya para hindi na maulit ang nangyaring gulo.

Paghahandaan na raw ‘yun ni Annabelle na hindi na siya magagalit dahil tiyak na ipu-provoke daw ‘yan ni Nadia para magalit siya uli.

Malamang iinom na lang siya ng pampakalma!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

One thought on “Alma Moreno, inaming hiwalay sila ng asawang mayor ng Marawi!

  1. Takot ba sina rufing at raymunding at retsard na pagsabihan ang ina nila na si anabel na tigilan ang pagiging warfreak niya? Ipinagyayabang pa niya na nasa panig niya si santo nino, hay nako!

Leave a Reply

Your email address will not be published.