Alma Moreno, desididong maging senadora!

NAKAKALOKA! LALONG pinag-usapan ngayon ang sinasabing merger ng GMA-7 at TV5. Tuloy na raw talaga ang bentahan?

Ang dami ko namang nakakausap at may mga nasagap din silang kuwento. Kaya lang ang hirap ding ikuwento kasi puro haka-haka pa lang naman.  Mabuting hintayin na lang natin ang announcement ng mga big bosses siguro, ‘di ba?

Kaya lang, ang mga artista ng bawat network ay hindi alam kung ano talaga ang totoo. Lalo ang mga Kapuso artists na tanong nang tanong sa amin kung ano na talaga.

Ang iba, na-excite kasi para mas marami raw mararaket. Meron sa GMA-7, meron din sa TV5. Bongga nga ‘yun!

Ang iba naman, natatakot din dahil baka mas lalo silang mawalan ng raket, at dumadami na ang mga artista.

Nang pinag-usapan ‘yan, marami raw sa mga artista sa ABS-CBN 2 ang nagkakainteres na lumipat. Parang mas type nila, dahil hindi lang isa ang TV network kundi magiging dalawa na. Kaya bongga ang raket kung dalawa ang pinagtatrabahuan mo.

Ang sabi pa raw bago matapos ang November ay ilo-launch na itong bonggang-bonggang merger kaya tingnan na lang natin.

Pero kung ako ang tatanungin n’yo? Parang may bahid ng katotohanan ito. Kaya lang, marami pang puwedeng mangyari, kaya abang na lang tayo. Bahala na si Lord!

ANG DAMI na ngayong naglalabasang pangalan sa showbiz na may balak na raw tumakbo sa darating na eleksyon.

Ang isa nga sa pinag-uusapan ay si Alma Moreno na desidido na talagang tumakbong senador sa ilalim ng partido ni Sen. Bong Revilla na Lakas-CMD. Desidido na raw talaga siya dahil gusto naman daw niyang patunayang kaya niya.

Kung sa bagay, si Sen. Lito Lapid nga, matatapos na ang term niya sa Senado, ipinagmamalaki pa rin niyang naging senador siya kahit high school graduate lang siya.

Lahat may karapatang tumakbo, ‘di ba? Kaya bahala na ang taumbayan.

Buong-buo na raw kasi ang suporta ng mga anak at mga malalapit na kaibigan ni Alma sa balak niyang pagtakbo kaya lalong lumalakas ang loob niya. Pero sa huling survey ngayon, hindi pa lumulutang ang pangalan niya, kaya ewan ko kung desidido pa rin siya.

Ang iba pang naririnig kong balak na ring tumakbo ay sina Onemig Bondoc at siyempre si Annabelle Rama na lagi ngayon sa Cebu dahil sa binabalak nga niyang pagtakbo.

Sabi nga niya, bakit daw si P-Noy, wala sa plano niya ang tumakbong presidente, pero heto nga at presidente na siya. Kaya sinusunod lang daw niya ang hiling ng mga Cebuano na tumakbo siya.

Tingnan na lang natin bago matapos ang taong ito, dahil feeling ko marami pa riyan ang nagbabalak na tumakbo, kaya masaya na naman ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Alma Moreno, desididong maging senadora!

  1. Di na matigil yang usapan na yan
    lahat na lang gustong bilihin ni mvp
    ang yabang ng dating.!
    Wala pa ngang napapatunayan ang tv5 gma naman ang gustong i manage.?
    Puro flop lahat ng show ng tv5
    puro kasi pirata ang talents..

  2. 8 new TV soaps to watch out for
    1. Lorenzo’s Time”Starring: Zaijan Jaranilla, Carmina Villaroel, Diether Ocampo
             2.Ina, Kapatid, Anak”Starring: Kim Chiu, Maja Salvador, Enchong Dee, Xian Lim
         3. Kahit Puso’y Masugatan”Starring: Andi Eigenmann, Iza Calzado, Jake Cuenca, Gabby Concepcion
        4.Precious Hearts Romances” seriesStarring: Matteo Guidicelli, Jessy Mendiola, Jewel Mische
        5. series starring “Papa Chen”Starring: Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Mutya Orquia
        6. water-themed soap starring Piolo PascualAlso starring: Angelica Panganiban, Diether Ocampo
       7. Against All Odds”Starring: Judy Ann Santos, KC Concepcion, Sam Milby
        8. A Beautiful Affair”Starring: John Lloyd Cruz, Bea Alonzo

    malamang pati rpn 9 at ibc 13 ay bilhin narin ni mvp hahahahahahahaha

  3. KUNG AKO ARTIST NG ABS-CBN HINDI NA AKO MAGBABALAK NA LUMIPAT PA NG TV5 OR GMA DAHI ALAM KONG MAS LALO AKONG MALALAOS HAHA! AMININ NATIN NA MGA PRIME ARTIST TALAGA ANG MGA NASA KAPAMILYA NETWORK IN DEMAND SA PELIKULA AT COMMERCIALS DI TULAD NG MGA TAGA KAPUSO AT KAPATID NA ILAN LANG SA KANILA ANG TALAGANG POPULAR. NAKU, SI SHARON LUMIPAT NG TV5, MAS LALONG LUMUBOG, BABA NG RATING NG SHOW NIYA HAHA!

  4. ang merger ng tb5 at gme ay hinde tulad ng merger ng jolibbe at mang inasal.  ang isang consumer ay hinde pwede pagsabayin ang panonood ng wiltime bigtime at 24 oras.. hinde tulad ng consumer na pwede pagsabayin ang pagkain ng chicken joy at dunuguan with puto.. 

  5. owsss taga abs nagbabalak lumipat? asa kayo…. d ako naniniwala dian sa merger na yan. paniniwalaan ko na mabibili ni mvp ang gme pero malamang ipagbili nia ang tb5.. kung ganun ang mangyayari.. kawawa artists  ng gme dahil mwawlan ang iba ng trabaho.. dahil xempre priority yunh nasa tb5 artsist ang ilagay sa gma. at yung ibang gme aritist na dahil sa dame nila eh mawawalan sila trabaho..

  6. kung tutoo ang ipinangangalandakan ni atty gozon n mataas ang profits ng GMA, bkit nya ibe2nta? ito b ay dahil s mga SUPER FLOPS movie at teleserye, lol!

Leave a Reply

Your email address will not be published.