Alma Concepcion, balik sa pagiging single

NANG MULI namin makita nang personal si Alma Concepcion sa presscon ng PHR presents Pintada. Med-yo nanibago kami sa kanyang hitsura. Tipong may nabago sa kanyang mukha, hindi lang namin matukoy kung anong parte ng mukha niya ang pinaretoke. Ibang-iba sa dati niyang hitsura noong kapapanalo pa lang niya sa Bb. Pilipinas. Napaka-sensual ng kanyang mukha compared sa face niya ngayon. Naglisawan din ang mga dating artista. Kasama sa teleserye na sina Yeng Santos, Bernadette Allyson (asawa ni Gary Estrada) at Nikka Valencia na nagbabalik-telebisyon.

Inamin ni Alma Concepcion na single pa rin siya hanggang ngayon kahit nagkaroon siya ng serious relationship in the past kaya’t  pansamantala siyang nawala sa showbiz. “Medyo istrikto ‘yung relationship ko before. That’s one of the reason why namahinga ako sandali. Right now, I can do anything, no rules, no limitation. Bilang babae, medyo may limitation din if you’re in a relationship. Siyempre, ipa-prioritize mo ‘yung walang away. So, I’m single and ready to mingle,” simpleng sabi niya.

‘Yung father kaya ng anak niya ang tinutukoy niyang serious relationship? “The father of my kid we broke-up when I was pregnant and then after that, eight years akong hindi nag-boyfriend. I met somebody (six years relationship) after nu’n,  medyo napagod, nakakapagod. He’s a private person at saka tapos na. Ako kasi, kapag nagmahal, all mine to give. Going back to showbiz is a journey of life dahil you go back to who you are. Kapag mayroon kang relationship kailangan mong mag-adjust sa isang tao. When your single, your whole. Nakikita mo talaga kung sino nga ba ako? It’s so nice to live without limitation, ‘di ba? Celebrate life, kailan ko pa gagawin?” Pahayag ni Alma na tipong happy ngayon sa pagiging single mom kahit walang lovelife.

 

PALIBHASA NAG-CLICK sa mga fans ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim sa telebisyon kaya’t pilit na pinakikilig nila ang kanilang mga fans. Kunwari, nagkakagusto si lalaki kay babae na alam nating gimik lang. Inamin ni Kim na nag-iisa lang sa puso niya si Gerald Anderson (first love) kahit pa pagkatapos nilang maghiwalay, nakarelasyon naman ng binata si Bea Alonzo. Oo nga’t pareho na silang naka-move-on, pero hindi mawala sa puso nina Kim at Gerald na minsan naranasan nilang magmahal at mahalin. Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang Kim-Gerald fans na muling magku-krus ang landas ng dalawa at muling manunumbalik ang naudlot nilang pagmamahalan. Tanging tadhana lamang ang nakaaalam kung kailan at kung saan ito mangyayari.

Kahit sinasabing may Sarah Geronimo na si Gerald, hindi pa naman sigurado kung totoo ngang may relasyon ang dalawa. Hindi pa handa si Mommy Divine na makipagrelasyon ang kanyang anak. Tulad nina Kim at Xian, pinipilit ding mabuo ang romansa kina Sarah at Gerald sa ikasisiya ng mga fans. Pero never inamin ni Gerald na in love siya kay Sarah at handa niya itong patunayan. Puro bitin ang mga linyang binibitawan ng actor tungkol sa singer/ actress. Malayo sa katotohanan ang sinasabing mag-dyowa na nga sina Sarah at Gerald.

Sabihin na nating may mutual understanding na namamagitan sa kanila na sila lang ang nakaaalam. Pero hanggang kailan nila ito maitatago? Kapag naghiwalay na saka aaminin na naging sila. Artista nga naman, dramang teleserye sa totoong  buhay. Ganu’n ?

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.